by: rep Czerlene R. Razal
UuyY Pips! Ikaw nga…Malapit na ang Grand Reunion natin. Sampung
taon na pala ang nakalipas parang kelan lang nuh? mga nene at totoy pa tayo tapos
bigla ka mapapaisip ang tanda ko na pala hehehe…
HIGHSCHOOL LIFE ba kamo?! Sino ba naman ang hindi makakamiss
dito? Dito kasi madami tayo natutunan, nainlove ng sobra, nabroken hearted,
nakipag away, naging tamad, natutong uminom, magyosi,bumisyo at higit sa lahat dito
din tayo nagkaroon ng mga totoong kaibigan na nakasama mo sa saya at lungkot ng
buhay mo.
Dito din
naalala natin ang mga teachers nating matatapang, yung mga teachers na kala mo
mangangain. Yung mga teachers na nakiki-ride sa kalokohan natin. Parang
student-teacher bonding. Yung mga teachers na nagtitinda sa atin ng pagkain
tulad ng (puto at iba pa..uuyy,alam niyo yan!) at yung mga teachers na ginagaya
natin ang pronunciation at action like (SUBstance at tumatalsik ang laway…
ehemm!kilala niyo ba yun?naku,oo siya na nga tumpak yang nasa isip mo!hehehe).
Andyan din yung teacher na dinadaya natin ang orasan para maaga tayo makauwi.
Eh.. ang magbansag sa teacher nagawa niyo ba? Huh! Kami noon may teacher kami
na ang tawag namin ay (BALANOY) hehehe ang hilig niya kasi ipproject sa amin
yan…(ang sasama eh nuh… pero di mo daw nafeel ang high school kung hindi mo
naranasan ito.. tama dba?
Balikan natin yung unang araw ng
pasukan, dba ramdam natin ang excitement nun. Yung tipong gusto mo ulit
makipagbidahan ng bagong gamit sa mga kaklase mo. Gusto mo ulit magpapampam,
kwentuhan at tawanan sa kanila. Ang maranasan ang tensyon kapag may away sa
loob ng klase o labas ng school. Gusto mo ulit agawin ang mga pagkain nila
tuwing recess at makipagkopyahan sa kanila yung tipong sama- sama kayong
papagalitan ng mga teacher. Ang mag-escape para magmovie marathon sa isang
bahay o gumala sa marikit park at cosmic. Ang magkita- kita kayo tuwing weekend
para gumawa ng project kahit wala naman talaga. Naalala niyo nung high school
tayo sino sa atin ang nagsasabi ng ganito?
Pengeng papel, yun bang, kapag nangailangan ng 1
fourth sheet of paper, pag merong may 1 whole, hahatiin na lang sa apat. Tas
pag sinabi ni teacher na “okay
number 1” may sisigaw na“teka mam ah, naghahati pa ay!”. At
minsan, may hindi nakakamalay na magtetest pala,“hala, may quiz? pahingi daw papel!”…Samahan mo naman ako sa canteen.
May ballpen ka pa? at
yung pag meh nawawalang ballpen, may sisigaw na “TANGINA,
MAMATAY NA ANG MAGULANG NUNG KUMUHA NG BALLPEN KO!!!” … Uwian na ba?
Saan tayo mamaya?
Eh…eto sino nakaexperienced nito: Dadagsain
ka ng mga nakasahod na kamay kung may isang pad kang papel,
ingayan,
awayan,
harutan,
landian, PAHINGI
NG POLBO, yung tipong papasok ng school tapos pagkarating sa school sasabihin
mo kagad “Sino may assignment. Pakopya.” Miski yung 1st honor kumokopya
din. Oha hahahaha. Yung mga pagkakataong natutulog sa klase o kaya minsan
kumakain ng patago habang nagtuturo si teacher hahaha...at xempre di mawawala yung
mga lovers sa likod. (Ayy…maisingit ko nga lang din pala.. alam niyo ba 10
years na din ang lovers nating si Rossan at Wilfred…uuuYyy ang tibay congrats
sis! Kasalan na lang invited kaming lahat ah? Hehehe)
HayYyzZz!eto I’m sure relate na relate
kayo pips… assignment dito, report doon. Exam dito, project doon. Libro dito,
computer doon. Ballpen dito, lapis doon. Papel dito, kwaderno doon. Minsan,
parang di na ata ramdam ng mga teachers natin ang hirap ng ating pinapasan.
Parang iniisip ata nila na para tayong makina; hindi nakakaramdam ng pagod.
Eh…paano nga ba tayo mag-aral noon?
Noon highschool tayo, wala tayong pakielam kung may quiz tayo. Pwede pa naman
mag-review bukas before quiz. Pwede pa naman bumawi sa periodical at may
recitation pa naman hehehe….
Weeww… ang isa pang lagi nating inaabangan
Pips tuwing sasapit ang December…ang CHRISTMAS BAZAAR.. Ang saya talaga nito
promise.. yung pagpasok mo pa lang sa school meron ng mga nakabilog sa daanan
at kapag nagtakbuhan na ang mga estudyante naku!alam na hulihan blues na kaya
kailangang pumasok ka sa bilog na nakadrawing sa daanan dahil kung hindi kulong
ang abot mo hehehe… may multa naman P5.00 makakalaya ka na…remember niyo pa ba
yun? Eh yung blind date…ehemmm…. Mukhang marami ata nakakaalala dito
(Kinikilig) hehehe… yung tipong naiblind date ka sa crush mo hayyzzz..ang saya
naman nun (^_^)! Sayang ako di ko naexperienced eh ahehehe… napauwi ako bigla
ng bahay dahil sa ginawa ni Lynt na iblind date kay ano… iiHh… nkakakaba kasi
that time pero narealized ko ahmmf! Sayang pagkakataon na yun eh hehehe echos
lang! Meron pa ngang kiss booth at marriage booth nun eh natry nio ba yun? May
Disco pa nga san ka pa? oh dba? Sa OCNHS lang meron yan!
Lastly, of
course highschool friends. Yung nabuong pagkakaibigan nung highschool? May mga
names pa nga ang grupo eh dba? Tulad sa amin may (SIXPAC, YSHENAE, D’DREAM V,
BUKAKA GIRLS etc.. yung isang grupo nakalimutan ko name yung grupo nila
Mardoni..hay!sign of aging!) Ang friendship na yan hindi na mawawala yan. Oo,
may ibang nawala kasi nasa ibang bansa sila pero still may contact pa rin tayo
sakanila. At least once a month meron pa rin tayong get together. Wala na sigurong papantay sa
mga kaibigan natin nung high school sa trust and love na
binibigay natin sa isa’t isa. Yung tipong Ilang beses na nag-away away pero in
the end nag-ba-bati bati pa rin. Never say die ang drama. One of the reason na
rin siguro kasi sabay sabay tayong nag-grow up. Halos lahat ng first sama sama
nating ginawa. Unang gala, inom, bar hopping, takas, trip at marami pang iba. Sila
yung nakasama mo sa worst at good things na nangyari sa buhay mo. Kilalang
kilala ka na nila, alam na nila kung kelan ka naiiyak, nasasaktan o masaya.
Kumportable ka ng kasama sila. Eh, namiss ko tuloy bigla ang mga friends ko. Sa
ibang chapter kasi ng buhay natin hindi mo alam kung sino nga ba yung totoo.
Hindi lahat makakasama mo. Hindi lahat tanggap ka. Pero syempre may makikilala
rin naman tayong mga bagong kaibigan. Hindi na nga lang katulad nung mga
kaibigan natin sa highschool. May kasabihan nga tayo “Memories last forever,
never do they die, Friends stick together and never really say Goodbye”.
HayYyy…Nakakamis noh? Yung mga ganyang
moments. Ang highschool life ang pinakamasaya sa lahat kahit na maraming
trials, maraming mahihirap na gawain, at maraming kaaway enjoy parin. Kung
masyado mong sineryoso ang pag aaral mag sisisi ka.
Kaya Pips, sama ka na sa darating na Grand Reunion natin,
mark your calendar na mag leave ka na agad..one day lang toh friend at tiyak na
walang katumbas na sahod mo ang saya na makukuha mo once na nakita mo kami J Isang beses lang dadaan sa atin ang 1
dekada kaya join na!
May iba na nahihiya pumunta kasi pinangungunahan ng insecurity
at paranoia. Yung iba sa atin, parang ayaw ummatend ng highskul reunion kasi
sobrang malayo na ang narating ng iba nating classmates habang siya ay wala
namang masyadong na accomplish.
Pips…"Reunion natin toh, hindi contest" kaya dumalo ka na. Masaya.
You cannot make old friends. Sayang pag lumayo ka pa sa old friends mo. Just
remain true to yourself. Many of them would be happy to see you. At malay mo,
baka through them ay ma-bless ka. But no matter, be a blessing to them. Isa pa,
reunions and homecomings are opportunities to meet up with your beloved and
notorious teachers pwede nyong bweltahan yung mga nagpahirap sa inyo hehehe.. (echos!)
I’m sure pagpumunta ka ang una mong hahanapin sa high school
reunion natin ay kung sino ang nag-asawa na, kung sino ang yumaman o pinalad sa
trabaho, at kung sino-sino ang nagtabaan o nakalbo :) Makakausap mo ulit yung binigyan mo ng love letters, roses,
at chocolates (uuuYyyy…) Maririnig mo na naman ang kwento ng mga classmates mong
mahangin pa sa buhawi.. Sa reunion din, maaaring may mabuong relasyon (di naman
malayo dba?) at magkaroon ng inspirasyon (ayyeeE…may kilig factor!) (^_^).
May mga nagsasabing ang mga may maipagmamalaki lang ang
uma-attend sa school reunions. Maling mali ito Pips, kung naka attend ka ng
Pre-Reunion natin naku ang saya kasi yung mga matagal mo ng hindi nakita ang
laki na ng pinagbago and it’s for better… Ako nga eh, aakalain mo ba naman na
si Vincent pa ngayon ang nagbabawal kina Arbyn at Ronald dahil sa sobrang kulit
nila. Nakakatuwa lang na makita kayo ulit J. That time din, ang dami
naming nakilalang bagong kaibigan na hanggang ngayon kasama pa din namin lalo
na sa gimikan..hehehe (know niyo na kung sino kayo J)…
Pips, ang pera ay hindi sukatan ng tagumpay ng tao. Actually mas
marami pa kayong alam kaysa sa nakasulat sa mga Transcript of Records. Mas
marami pa kayong kayang gawin kaysa sa nakalista sa mga resume at mas mataas
ang halaga n'yo kaysa sa presyong nakasulat sa payslip tuwing sweldo...kaya wag
na po kayo magdalawang isip pa..attend na Pips J See you!
HIGH SCHOOL LIFE!
BEST
YEARS OF OUR LIVES...THINGS THAT WE’LL SURELY TREASURE AND WORTH REMEMBERING