Friday, November 2, 2012

Batch 2002.... Pasok!!!

Batch 2002.... Pasok!!!
By: Ma. Kristina Erica N. Bartolome
Literature Editor of Ang Buklod
Ang Buklod Service Awardee of Batch 2002


          10 taon mula ngayon, wala ka bang naalalang pinasulat sayo na essay about “Me, 10 years from now”? Kung meron ay nakakatuwa naman isipin. Natatandaan nyo pa ba kung ano ang isinulat ninyo? O kung hindi man essay ay meron bang portion ng highschool life mo na naisip mo na “Ganito na ako after 10 years”? Nangyari ba ang mga ito o hindi?
         “Highschool life ang pinakamasayang part ng isang kabataan.” Ito ang sinasabi ng lahat ng dumaan na ng highschool. Madaming memories, maraming friends, madaming first time, maraming gimmicks, maraming gala, maraming subjects, maraming tests, maraming projects, at marami ring gastos at kung anu-ano pa. Sa makatuwid marami ding techniques and strategies para malagpasan ang kung ano man ang kinakaharap. Nagbabalik na ba ang mga alala ninyo?
          Sa pagtitipon natin ngayon talagang inaasahan ang sabihan ng “Uy! long time no see" and kamustahan. Nandiyan din syempre ang walang humpay na pagre-reminisce ng mga alaala natin nung highschool. Kung ano ang mga happenings. Masaya man o malungkot. Nakakatuwa man o nakakainis. Mga embarassing moments, at mga achievements. Pati na ang kung saan-saan naggagala or tumatambay. Ang mga old time topics tiyak magugunita natin sa oras na ito.
          Di mawawala ang “San ka na ngayon nagwo-work?” “Kinasal ka na ba?” “Sino napangasawa mo?” “Ilan na ang anak mo?” “San sila nag-aaral?” at kung anu-ano pang tanong! Inaasahan na parang feeling mo nasa D Buzz ka or guest ka sa isang talk show na kelangan ang palitan ng tanong at sagot. Dapat naghanda ka talaga.
          Nakakatuwa naman na malaman na may mga schoolmates ka or classmates na nagkatuluyan! Mantakin mo sa OCNHS pala nila nameet ang mga soulmates nila!
Bigyan pansin naman natin ang mga narating nating mga batch 2002. Nakaka-kaba ba? At ang iba sa atin ay maaring nahihiya. Pero wag natin isipin ito. Just smile po dahil lahat po tayo ay paniguradong may narating!
Sa facebook pa lang grabeng informations na ang makakalap mo. Pagdating sa pictures, ang mga batch 2002 girls ay di magpapahuli sa kagandahan! Di rin naman papatalo ang mga handsome boys ng batch 2002! Alam nyo naman na kung sinu-sino sila.    
          Mga dating estudyante. Mga simpleng bata. Mga simpleng kaibigan. Ngunit ngayon di natin dapat ikagulat bagkus ay dapat tayo maging proud na malaman na marami sa batch natin ang mga sumusunod: Managers, Supervisors, Leaders, Teachers, Engineers, Operators, Models, Businessmen, Police, Programmers, Consultants, Coordinators, Data Encoders and Nurses! Ang iba pa nga ay Vice President ng company, Geologist, Chemist, Internet CafĂ© Owners and Fashionshoppe owners! Ang iba pa nga ay nasa ibat-ibang panig ng mundo. Idagdag pa natin ang mga pinakadakilang propesyon sa buhay. Karamihan sa atin ay mga Hari at Reyna na ng tahanan. Kung meron man ako hindi nabanggit ay pasensya na dahil di ko na mababanggit lahat ng klase ng profession ang natamo n gating mg aka-batch mates. Dahil sobrang dami.
Akalain mong nasa iisang school tayo dati. Nagkikita-kita. nagtutulungan, nagkakabatian, nagkakatampuhan. Nag-iba-iba ang landas simula ng magtapos ng highschool. Pero sa kabila ng lahat ay di lumilimot sa lahat ng pinagdaanan, at hindi nililimot ang pagkakaibigan.
          Eh ang mga teachers natin kumusta naman? May balita ba kayo? Napapasyalan nyo ba sila para kumustahin or balitaan?
          10 years from now ano na kaya ulit tayo? Marahil ay madadagdagan pa uli ang mga topic na pag-uusapan. At marami na uli ang pagbabago sa estado ng buhay. Sa pagkikita-kita natin ngayon ay naway maging inspirasyon sa atin ang bawat isa. Ano man ang dumating sa mga susunod pang taon, naway malagpasan natin ang mga pagsubok at naway bawat isa sa atin ay patuloy na magtamo ng tunay na kaligayahan. God bless at hanggang sa muli.

2 comments:

  1. Thanks Erica for the post. It really captures the collective feeling ng batch...Napareminisce tuloy ako bigla :)

    ReplyDelete
  2. Thanks too for reading the post and for the comments, Eiver. Medyo inamag na nga yun utak ko kasi d na ako nakakapagsulat.
    Actually di ako makaka-attend, gusto ko sana eh...:(
    Kaya kung makakaattend kayo go. Balitaan nyo n lng kami uli.

    ReplyDelete

Be nice and friendly when posting a comment Pipz. :)