Ang magaganap na hayskul reunion sa Linggo, ika-25 ng Nobyembre 2012 ay naglalayong pagsama-samahin ang mga nagsipagtapos sa Olongapo City National High School noong 2002 at magbalik-tanaw sa mga kaganapan sampung taon na ang nakakaraan.
Halo-halo ang emosyon sa pag-attend sa reunion. Karamihan kasi sa atin, iba na ang itsura ngayon sa yearbook picture natin, pero ayos lang yun. Parte yan ng buhay. Nakakatawang isipin na may mga hindi ka makikilala sa reunion na dati mong kabarkada noong hayskul at ganun din naman sila sa iyo dahil nga sa laki ng pagbabago. Maaring feeling mo hindi ka pa successful gaya ng inaasahan mo, pero wag mo itong gawing batayan. Kasi, hindi lahat ng batchmates mo eh naging presidente ng malaking kumpanya, o ambassador sa ibang bansa. Marami rin ang nagsisimula pa lang. Maging proud ka sa accomplishment ng mga ka-batch mo, at i-share mo rin kung ano man ang narating mo.
Marami ang gusto ka lang makasama at makakwentuhan. Marami dyan gusto ipakita sa iyo ang picture ng mga anak nila, o ikwento ang mga experiences nila nung College. Nakakatawa ring isipin na kabatchmate mo pala yung dati mong katrabaho, o ang iyong "special someone" eh makikilala mo na 10 years after graduation.
Isang paalaala. Ang reunion ay hindi payabangan. Totoong may kuwentuhan sa mga na-achieve sa buhay, pero kahit sino, hindi gustong makasama ang mahahangin. Do not pretend to be someone you are not. Ipakilala mo ang sarili mo at ibahagi kung ano ang mahahalaga sa iyo at mas matatanggap ka ng mga kabatchmate mo. Maging realistic ka lang sa mga expectations mo.
Ang mga bagay na magandang dalhin sa reunion ay ang mga sumusunod: mga lumang pictures noong highschool, family pictures at camera. Magsuot ng kumportableng damit para maka-focus sa event.
Kapag umattend ka ng reunion, sinisigurado ko na isa ito sa mga i-te-treasure mong experience. Nostalgic in a way na makikita mo ulit ang mga pamilyar na mukha na kasama mo noon sa kulitan, tawanan at kalokohan. Isa rin itong paraan para magkaroon ng mga bagong kaibigan. Ang reunion ay isang masayang pagkakataon upang mag-reminisce, makibalita at makakilala ng bagong kaibigan. Isa lang ang requirement naming mga representatives sa lahat ng dadalo: Enjoy! :)
Nice one batchmate.. I'm so excited to attend the said event. See you there.
ReplyDelete