Wednesday, November 21, 2012

Paghahanda para sa Reunion





Ang magaganap na hayskul reunion sa Linggo, ika-25 ng Nobyembre 2012 ay naglalayong pagsama-samahin ang mga nagsipagtapos sa Olongapo City National High School noong 2002 at magbalik-tanaw sa mga kaganapan sampung taon na ang nakakaraan. 

Halo-halo ang emosyon sa pag-attend sa reunion. Karamihan kasi sa atin, iba na ang itsura ngayon sa yearbook picture natin, pero ayos lang yun. Parte yan ng buhay. Nakakatawang isipin na may mga hindi ka makikilala sa reunion na dati mong kabarkada noong hayskul at ganun din naman sila sa iyo dahil nga sa laki ng pagbabago. Maaring feeling mo hindi ka pa successful gaya ng inaasahan mo, pero wag mo itong gawing batayan. Kasi, hindi lahat ng batchmates mo eh naging presidente ng malaking kumpanya, o ambassador sa ibang bansa. Marami rin ang nagsisimula pa lang. Maging proud ka sa accomplishment ng mga ka-batch mo, at i-share mo rin kung ano man ang narating mo. 
Marami ang gusto ka lang makasama at makakwentuhan. Marami dyan gusto ipakita sa iyo ang picture ng mga anak nila, o ikwento ang mga experiences nila nung College. Nakakatawa ring isipin na kabatchmate mo pala yung dati mong katrabaho, o ang iyong "special someone" eh makikilala mo na 10 years after graduation. 
Isang paalaala. Ang reunion ay hindi payabangan. Totoong may kuwentuhan sa mga na-achieve sa buhay, pero kahit sino, hindi gustong makasama ang mahahangin. Do not pretend to be someone you are not. Ipakilala mo ang sarili mo at ibahagi kung ano ang mahahalaga sa iyo at mas matatanggap ka ng mga kabatchmate mo. Maging realistic ka lang sa mga expectations mo. 
Ang mga bagay na magandang dalhin sa reunion ay ang mga sumusunod: mga lumang pictures noong highschool, family pictures at camera. Magsuot ng kumportableng damit para maka-focus sa event. 
Kapag umattend ka ng reunion, sinisigurado ko na isa ito sa mga i-te-treasure mong experience. Nostalgic in a way na makikita mo ulit ang mga pamilyar na mukha na kasama mo noon sa kulitan, tawanan at kalokohan. Isa rin itong paraan para magkaroon ng mga bagong kaibigan. Ang reunion ay isang masayang pagkakataon upang mag-reminisce, makibalita at makakilala ng bagong kaibigan. Isa lang ang requirement naming mga representatives sa lahat ng dadalo: Enjoy! :)

Tuesday, November 20, 2012

Meeting Minutes November 4, 2012





I. Call to Order 

Ms. Rossan Rubrico called to order the regular meeting of the OCNHS Batch 2002 at 10:00 AM on November 4, 2012 in McDonald’s Harbor Point.

II.  Roll Call
The following persons were present: Ms. Anielou Gelacio, Ms. Czerlene Razal, Mr. Neil Marc R. Biron, Mr. Ronnel Pega, Mr. Billy Ray Bactad, Mr. Romar R. Bantican, Ms. Mary Belzora A. Stenseth, Ms. Joana Bianca T. Punzalan, Ms. Julie Ann Minas, Ms. Jennifer Peñaredondo, Ms. Katherine Mendoza, Ms. Domalyn Lumanog, Mr. Christopher John Asaro Jr., Mr. Eugeric Cuevas, Ms. Liberty Lalas, Ms. Le-An Mendoza, Mr. Noel Antido, Mr. Alvin Lazaro, Mr. Dave Vega, Ms. Anna Marie Galvante, Ms. Prima dela Peña, Ms. Cristina Belleza and Mr. Aaron Angel.  

III.  Agenda

Agenda 1: Turn-over of tickets = official end of promo tickets. 
There are 100 turned over tickets.  

IV-1     - 2
IV-2     - 5
IV-3     - 8
IV-4     - 5
IV-5     - 9
IV-6     - 8
IV-7     - 7
IV-8     - 6
IV-9    - 8
IV-10  - 2
IV-11  - 7
IV-12  - 7
IV-13  - 4
IV-14  - 3
IV-15  - 1
IV-16  - 3
IV-17  - 0
IV-18  - 3
IV-19  - 0
IV-20  - 1
IV-21  - 5
IV-22  - 1
IV-23  - 2
IV-24  - 0
IV-25  - 0
IV-26  - 1
IV-27  - 0
Guests - 2

Based on the Facebook Invitation for the Event page and additional information from reps, we are still anticipating 100 more batchmates come November 25. For guests, we are anticipating the new OCNHS principal, Mr. Leo de Guzman and Mrs. Helen Aggabao, Mrs. Fe Porras and 15 of our advisers. The list also includes our sponsors namely:Councilor Tet Marzan, Gav Center, Bluehouse Management Consultancy, Subic.com and GotoPhilippines.com. We have yet to hear from our other sponsors.  

Agenda 2:  Turn-over of Donations


 The finance team received P11,231.55 of donations from the following batchmates. Rodel Deville, Benson Castro, Xydie Mae Timbas-Castro, Michelle Guiang and Eugeric Cuevas. 

We are still waiting for other sponsors to give their pledges before our event. On November 23, a list of sponsors will be presented on the blogsite and the batch page

Agenda 3: Returned Printed Tshirts

Ordered last November 4 and November 11, 20 printed Batch Shirts are returned to their respective owners. 

Agenda 4: Catering

A 75% downpayment for 200 pax catering was received by Mr. Alvin Lazaro, our caterer. A contract was signed by two of our finance representatives namely: Ms. Anielou Gelacio, our finance head, and Mr. Christopher John Asaro Jr., as well as the promotions head, Ms. Rossan Rubrico. A remaining balance of P5,500 will be paid on the event day. 

Agenda 5: Events Team

Head of events team, Ms. Czerlene Razal, received P7000 to pay for the venue decorations as well as prizes for the games on our event.Venue preparation will be a 2-day event, November 24 afternoon and November 25 morning. 

Agenda 6: Tables and Chairs

Tables and chairs were already ordered good for 200 persons.  There is also a table for the guests, and for the registration. 

Agenda 7: Registration

A step-by-step procedure on how to register for our event will be posted during the week. So keep posted. 

 Agenda 8: Election of officers

As part of the batch's project, the representatives are aiming for the batch to be registered under Security and Exchange Commission (SEC). There will be a presentation of vision and mission statements as well as an election of officers. 



Q&A Portion para sa Reunion:


 

Q: Kelan ang reunion, anong oras at saan?
A: Sa November 25 Linggo 2PM hanggang 9PM sa OCNHS Bleachers. 


Q: Tuloy ba ang Reunion kapag umulan?

A: Tuloy na tuloy. Covered Court na ang Bleachers.  


Q: Saan at magkano ang tickets?
A: Sa mga wala pang tickets, meron sa Registration Desk sa entrance ng bleachers sa November 25. P300 ang bawat isa. Hanapin lamang si Roselle para maka-avail ng ticket. 


Q: Pwede bang magsama?
A: Dinidiscourage namin ang pagsama ng hindi ka-batchmate. Kung hindi maiiwasan, lalo na ang mga anak, required rin pong bayaran ninyo sila ng ticket, sa parehong halaga, P300 bawat isa. 


Q: May dress code ba?
A: Kung meron kang napagawang Batch shirt, mas maganda kung ito ang suotin mo. Kung wala casual attire lang po. 


Q: Saan ako pwede umorder ng Tshirt?
A: Sa ngayon, itinigil po muna namin ang pagkuha ng order sa Tshirt. Kung gusto po talaga ninyong magpagawa, maaari po kayong pumunta sa Angel Touche sa City Square at hanapin si Richard Omania. Mayroon po siyang kopya ng template. Pero depende po sa mapag-uusapan ninyo kung magkano ang Tshirt. Iba na po ang presyo kumpara sa naunang naipost.

Friday, November 2, 2012

Batch 2002.... Pasok!!!

Batch 2002.... Pasok!!!
By: Ma. Kristina Erica N. Bartolome
Literature Editor of Ang Buklod
Ang Buklod Service Awardee of Batch 2002


          10 taon mula ngayon, wala ka bang naalalang pinasulat sayo na essay about “Me, 10 years from now”? Kung meron ay nakakatuwa naman isipin. Natatandaan nyo pa ba kung ano ang isinulat ninyo? O kung hindi man essay ay meron bang portion ng highschool life mo na naisip mo na “Ganito na ako after 10 years”? Nangyari ba ang mga ito o hindi?
         “Highschool life ang pinakamasayang part ng isang kabataan.” Ito ang sinasabi ng lahat ng dumaan na ng highschool. Madaming memories, maraming friends, madaming first time, maraming gimmicks, maraming gala, maraming subjects, maraming tests, maraming projects, at marami ring gastos at kung anu-ano pa. Sa makatuwid marami ding techniques and strategies para malagpasan ang kung ano man ang kinakaharap. Nagbabalik na ba ang mga alala ninyo?
          Sa pagtitipon natin ngayon talagang inaasahan ang sabihan ng “Uy! long time no see" and kamustahan. Nandiyan din syempre ang walang humpay na pagre-reminisce ng mga alaala natin nung highschool. Kung ano ang mga happenings. Masaya man o malungkot. Nakakatuwa man o nakakainis. Mga embarassing moments, at mga achievements. Pati na ang kung saan-saan naggagala or tumatambay. Ang mga old time topics tiyak magugunita natin sa oras na ito.
          Di mawawala ang “San ka na ngayon nagwo-work?” “Kinasal ka na ba?” “Sino napangasawa mo?” “Ilan na ang anak mo?” “San sila nag-aaral?” at kung anu-ano pang tanong! Inaasahan na parang feeling mo nasa D Buzz ka or guest ka sa isang talk show na kelangan ang palitan ng tanong at sagot. Dapat naghanda ka talaga.
          Nakakatuwa naman na malaman na may mga schoolmates ka or classmates na nagkatuluyan! Mantakin mo sa OCNHS pala nila nameet ang mga soulmates nila!
Bigyan pansin naman natin ang mga narating nating mga batch 2002. Nakaka-kaba ba? At ang iba sa atin ay maaring nahihiya. Pero wag natin isipin ito. Just smile po dahil lahat po tayo ay paniguradong may narating!
Sa facebook pa lang grabeng informations na ang makakalap mo. Pagdating sa pictures, ang mga batch 2002 girls ay di magpapahuli sa kagandahan! Di rin naman papatalo ang mga handsome boys ng batch 2002! Alam nyo naman na kung sinu-sino sila.    
          Mga dating estudyante. Mga simpleng bata. Mga simpleng kaibigan. Ngunit ngayon di natin dapat ikagulat bagkus ay dapat tayo maging proud na malaman na marami sa batch natin ang mga sumusunod: Managers, Supervisors, Leaders, Teachers, Engineers, Operators, Models, Businessmen, Police, Programmers, Consultants, Coordinators, Data Encoders and Nurses! Ang iba pa nga ay Vice President ng company, Geologist, Chemist, Internet Café Owners and Fashionshoppe owners! Ang iba pa nga ay nasa ibat-ibang panig ng mundo. Idagdag pa natin ang mga pinakadakilang propesyon sa buhay. Karamihan sa atin ay mga Hari at Reyna na ng tahanan. Kung meron man ako hindi nabanggit ay pasensya na dahil di ko na mababanggit lahat ng klase ng profession ang natamo n gating mg aka-batch mates. Dahil sobrang dami.
Akalain mong nasa iisang school tayo dati. Nagkikita-kita. nagtutulungan, nagkakabatian, nagkakatampuhan. Nag-iba-iba ang landas simula ng magtapos ng highschool. Pero sa kabila ng lahat ay di lumilimot sa lahat ng pinagdaanan, at hindi nililimot ang pagkakaibigan.
          Eh ang mga teachers natin kumusta naman? May balita ba kayo? Napapasyalan nyo ba sila para kumustahin or balitaan?
          10 years from now ano na kaya ulit tayo? Marahil ay madadagdagan pa uli ang mga topic na pag-uusapan. At marami na uli ang pagbabago sa estado ng buhay. Sa pagkikita-kita natin ngayon ay naway maging inspirasyon sa atin ang bawat isa. Ano man ang dumating sa mga susunod pang taon, naway malagpasan natin ang mga pagsubok at naway bawat isa sa atin ay patuloy na magtamo ng tunay na kaligayahan. God bless at hanggang sa muli.