Wednesday, September 19, 2012

Meeting Minutes Sept 8, 2012

Olongapo City National High School Batch 2002

Meeting Minutes

September 8, 2012 

I. Call to Order 

Ms. Czerlene Razal called to order the regular meeting of the OCNHS Batch 2002 at 8:00 PM on September 8 in McDonald’s Magsaysay.
II. Roll Call

The following persons were present: Ms. Anielou Gelacio, Mr. Ronnel Pega, Ms. Rossan Rubrico, Mr. Wilfred Lee Portacio, Mr. Ramwel Ramos, Ms. Domalyn Lumanog, Ms. Le-an Mendoza, Mr. Angel Gaton, Mr. Juminyl Aga-ab and Mr. Christopher John Asaro. 
III. Agenda 
Agenda 1: Budget - It is still subject for approval from the finance committee. A list should be provided for the cost of the event on November 25, before the next meeting.   
Agenda 2: Ticket prices - Dahil sa generous donation ni IDOL sa food and sa pagsagot ni KINDNESS sa half ng lights and sounds, we are only asking P200 per ticket. Please tell our dear batchmates na 1 ticket = 1 person.   
Agenda 3: Sponsorship We are still looking for sponsors for our event. Ive already uploaded our sponsorship duly signed by our committee heads. You can already download it.
Agenda 4: Informing school - We have yet to hear from Rep Valiente, if the letter for Mam Cocina and Mam Aggabao pushed through. Nevertheless, I doubt we will be rejected. Just a heads up that we are working on it.

Agenda 5: Token for guests - Red wine for all non-paying guests such as sponsors, advisers, guest speaker, principal.

Agenda 6: Invitation letters to guests & sponsors. - The deadline for RSVP for sponsors will be a month before our event. Afterwards, we will be sending them invitation letters.

Agenda 7: Motorcade - As of Sept 8 we have 2 cars and 1 coaster joining our motorcade. Wala pa pong nagpapalista kung sinu-sino makakasama sa motorcade.
Agenda 8: Decors, Lights & Sound - We need to make the event simple yet not too drastic. Yet to receive quotes for lights and sound. Meron na rin pong sasagot ng half the payment for the lights and sound. As of skirting of tables and chairs, si Rep Juminyl na raw po ang bahala :)
Agenda 9: Program - Program's nearly finished. Drafted na po sya ni Rep Czerlene. We just need a name for our guest speaker and a list of people who would like to perform and its good.

Agenda 10: Photobooth - This will be our souvenir from the event. According to Rep Ramwel, there'll be a sponsor for this. Good news for all of our batchmates.

Agenda 11: Mardigras - Yes, tuloy po ang pagkakaroon natin ng booth sa Mardigras (Oct 25-27). Isa po ito sa next meeting agenda. Everyone who can help are welcome. Just contact Rep Domalyn for details.

Our next meeting will be on October 7, 2012 Sunday 10AM onwards. Everyone is encouraged to attend. 
Clubbing after the meeting ^_^

Ads : Batchmates Meeting @ October 7, 2012


WHERE : Olongapo City National High School
WHEN: October 7, 2012 @ 10:00AM


"Everyone is invited."

Wednesday, September 5, 2012

HighSchool Life Ang Sarap Balikan!

by: rep Czerlene R. Razal


UuyY Pips! Ikaw nga…Malapit na ang Grand Reunion natin. Sampung taon na pala ang nakalipas parang kelan lang nuh? mga nene at totoy pa tayo tapos bigla ka mapapaisip ang tanda ko na pala hehehe…
                                                                                               
HIGHSCHOOL LIFE ba kamo?! Sino ba naman ang hindi makakamiss dito? Dito kasi madami tayo natutunan, nainlove ng sobra, nabroken hearted, nakipag away, naging tamad, natutong uminom, magyosi,bumisyo at higit sa lahat dito din tayo nagkaroon ng mga totoong kaibigan na nakasama mo sa saya at lungkot ng buhay mo.

Dito din naalala natin ang mga teachers nating matatapang, yung mga teachers na kala mo mangangain. Yung mga teachers na nakiki-ride sa kalokohan natin. Parang student-teacher bonding. Yung mga teachers na nagtitinda sa atin ng pagkain tulad ng (puto at iba pa..uuyy,alam niyo yan!) at yung mga teachers na ginagaya natin ang pronunciation at action like (SUBstance at tumatalsik ang laway… ehemm!kilala niyo ba yun?naku,oo siya na nga tumpak yang nasa isip mo!hehehe). Andyan din yung teacher na dinadaya natin ang orasan para maaga tayo makauwi. Eh.. ang magbansag sa teacher nagawa niyo ba? Huh! Kami noon may teacher kami na ang tawag namin ay (BALANOY) hehehe ang hilig niya kasi ipproject sa amin yan…(ang sasama eh nuh… pero di mo daw nafeel ang high school kung hindi mo naranasan ito.. tama dba?

Balikan natin yung unang araw ng pasukan, dba ramdam natin ang excitement nun. Yung tipong gusto mo ulit makipagbidahan ng bagong gamit sa mga kaklase mo. Gusto mo ulit magpapampam, kwentuhan at tawanan sa kanila. Ang maranasan ang tensyon kapag may away sa loob ng klase o labas ng school. Gusto mo ulit agawin ang mga pagkain nila tuwing recess at makipagkopyahan sa kanila yung tipong sama- sama kayong papagalitan ng mga teacher. Ang mag-escape para magmovie marathon sa isang bahay o gumala sa marikit park at cosmic. Ang magkita- kita kayo tuwing weekend para gumawa ng project kahit wala naman talaga. Naalala niyo nung high school tayo sino sa atin ang nagsasabi ng ganito? Pengeng papel, yun bang, kapag nangailangan ng 1 fourth sheet of paper, pag merong may 1 whole, hahatiin na lang sa apat. Tas pag sinabi ni teacher na “okay number 1”  may sisigaw na“teka mam ah, naghahati pa ay!”. At minsan, may hindi nakakamalay na magtetest pala,“hala, may quiz? pahingi daw papel!”Samahan mo naman ako sa canteen. May ballpen ka pa? at yung pag meh nawawalang ballpen, may sisigaw na “TANGINA, MAMATAY NA ANG MAGULANG NUNG KUMUHA NG BALLPEN KO!!!” … Uwian na ba? Saan tayo mamaya? Eh…eto sino nakaexperienced nito: Dadagsain ka ng mga nakasahod na kamay kung may isang pad kang papel, ingayan, awayan, harutan, landian, PAHINGI NG POLBO, yung tipong papasok ng school tapos pagkarating sa school sasabihin mo kagad “Sino may assignment. Pakopya.” Miski yung 1st honor kumokopya din. Oha hahahaha. Yung mga pagkakataong natutulog sa klase o kaya minsan kumakain ng patago habang nagtuturo si teacher hahaha...at xempre di mawawala yung mga lovers sa likod. (Ayy…maisingit ko nga lang din pala.. alam niyo ba 10 years na din ang lovers nating si Rossan at Wilfred…uuuYyy ang tibay congrats sis! Kasalan na lang invited kaming lahat ah? Hehehe)

HayYyzZz!eto I’m sure relate na relate kayo pips… assignment dito, report doon. Exam dito, project doon. Libro dito, computer doon. Ballpen dito, lapis doon. Papel dito, kwaderno doon. Minsan, parang di na ata ramdam ng mga teachers natin ang hirap ng ating pinapasan. Parang iniisip ata nila na para tayong makina; hindi nakakaramdam ng pagod.

Eh…paano nga ba tayo mag-aral noon? Noon highschool tayo, wala tayong pakielam kung may quiz tayo. Pwede pa naman mag-review bukas before quiz. Pwede pa naman bumawi sa periodical at may recitation pa naman hehehe….

Weeww… ang isa pang lagi nating inaabangan Pips tuwing sasapit ang December…ang CHRISTMAS BAZAAR.. Ang saya talaga nito promise.. yung pagpasok mo pa lang sa school meron ng mga nakabilog sa daanan at kapag nagtakbuhan na ang mga estudyante naku!alam na hulihan blues na kaya kailangang pumasok ka sa bilog na nakadrawing sa daanan dahil kung hindi kulong ang abot mo hehehe… may multa naman P5.00 makakalaya ka na…remember niyo pa ba yun? Eh yung blind date…ehemmm…. Mukhang marami ata nakakaalala dito (Kinikilig) hehehe… yung tipong naiblind date ka sa crush mo hayyzzz..ang saya naman nun (^_^)! Sayang ako di ko naexperienced eh ahehehe… napauwi ako bigla ng bahay dahil sa ginawa ni Lynt na iblind date kay ano… iiHh… nkakakaba kasi that time pero narealized ko ahmmf! Sayang pagkakataon na yun eh hehehe echos lang! Meron pa ngang kiss booth at marriage booth nun eh natry nio ba yun? May Disco pa nga san ka pa? oh dba? Sa OCNHS lang meron yan!

Lastly, of course highschool friends. Yung nabuong pagkakaibigan nung highschool? May mga names pa nga ang grupo eh dba? Tulad sa amin may (SIXPAC, YSHENAE, D’DREAM V, BUKAKA GIRLS etc.. yung isang grupo nakalimutan ko name yung grupo nila Mardoni..hay!sign of aging!) Ang friendship na yan hindi na mawawala yan. Oo, may ibang nawala kasi nasa ibang bansa sila pero still may contact pa rin tayo sakanila. At least once a month meron pa rin tayong get together. Wala na sigurong papantay sa mga kaibigan natin nung high school sa trust and love na binibigay natin sa isa’t isa. Yung tipong Ilang beses na nag-away away pero in the end nag-ba-bati bati pa rin. Never say die ang drama. One of the reason na rin siguro kasi sabay sabay tayong nag-grow up. Halos lahat ng first sama sama nating ginawa. Unang gala, inom, bar hopping, takas, trip at marami pang iba. Sila yung nakasama mo sa worst at good things na nangyari sa buhay mo. Kilalang kilala ka na nila, alam na nila kung kelan ka naiiyak, nasasaktan o masaya. Kumportable ka ng kasama sila. Eh, namiss ko tuloy bigla ang mga friends ko. Sa ibang chapter kasi ng buhay natin hindi mo alam kung sino nga ba yung totoo. Hindi lahat makakasama mo. Hindi lahat tanggap ka. Pero syempre may makikilala rin naman tayong mga bagong kaibigan. Hindi na nga lang katulad nung mga kaibigan natin sa highschool. May kasabihan nga tayo “Memories last forever, never do they die, Friends stick together and never really say Goodbye”.

HayYyy…Nakakamis noh? Yung mga ganyang moments. Ang highschool life ang pinakamasaya sa lahat kahit na maraming trials, maraming mahihirap na gawain, at maraming kaaway enjoy parin. Kung masyado mong sineryoso ang pag aaral mag sisisi ka.

Kaya Pips, sama ka na sa darating na Grand Reunion natin, mark your calendar na mag leave ka na agad..one day lang toh friend at tiyak na walang katumbas na sahod mo ang saya na makukuha mo once na nakita mo kami J Isang beses lang dadaan sa atin ang 1 dekada kaya join na!

May iba na nahihiya pumunta kasi pinangungunahan ng insecurity at paranoia. Yung iba sa atin, parang ayaw ummatend ng highskul reunion kasi sobrang malayo na ang narating ng iba nating classmates habang siya ay wala namang masyadong na accomplish.

Pips…"Reunion natin toh, hindi contest" kaya dumalo ka na. Masaya. You cannot make old friends. Sayang pag lumayo ka pa sa old friends mo. Just remain true to yourself. Many of them would be happy to see you. At malay mo, baka through them ay ma-bless ka. But no matter, be a blessing to them. Isa pa, reunions and homecomings are opportunities to meet up with your beloved and notorious teachers pwede nyong bweltahan yung mga nagpahirap sa inyo hehehe.. (echos!)

I’m sure pagpumunta ka ang una mong hahanapin sa high school reunion natin ay kung sino ang nag-asawa na, kung sino ang yumaman o pinalad sa trabaho, at kung sino-sino ang nagtabaan o nakalbo :) Makakausap mo ulit yung binigyan mo ng love letters, roses, at chocolates (uuuYyyy…) Maririnig mo na naman ang kwento ng mga classmates mong mahangin pa sa buhawi.. Sa reunion din, maaaring may mabuong relasyon (di naman malayo dba?) at magkaroon ng inspirasyon (ayyeeE…may kilig factor!) (^_^).

May mga nagsasabing ang mga may maipagmamalaki lang ang uma-attend sa school reunions. Maling mali ito Pips, kung naka attend ka ng Pre-Reunion natin naku ang saya kasi yung mga matagal mo ng hindi nakita ang laki na ng pinagbago and it’s for better… Ako nga eh, aakalain mo ba naman na si Vincent pa ngayon ang nagbabawal kina Arbyn at Ronald dahil sa sobrang kulit nila. Nakakatuwa lang na makita kayo ulit J. That time din, ang dami naming nakilalang bagong kaibigan na hanggang ngayon kasama pa din namin lalo na sa gimikan..hehehe (know niyo na kung sino kayo J)…

Pips, ang pera ay hindi sukatan ng tagumpay ng tao. Actually mas marami pa kayong alam kaysa sa nakasulat sa mga Transcript of Records. Mas marami pa kayong kayang gawin kaysa sa nakalista sa mga resume at mas mataas ang halaga n'yo kaysa sa presyong nakasulat sa payslip tuwing sweldo...kaya wag na po kayo magdalawang isip pa..attend na Pips J See you!


HIGH SCHOOL LIFE!  BEST YEARS OF OUR LIVES...THINGS THAT WE’LL SURELY TREASURE AND WORTH REMEMBERING

Sunday, September 2, 2012

Ads : Batchmates Meeting @ September 8

Meeting, Reps, Pipz, Grand Reunion, Reunion, Grand, OCNHS 2002, 2002, Batch 2002
Dumalo, makibahagi, at makiisa sa ating 1ng DEKADA
WHERE : McDonalds Rizal Ave.
WHEN: September 8, 2012 @7:00 PM


"Everyone is invited."